Hi-Jakkk - Ako’y Nandito Lang
If you want to put this song to your Friendster Profile, just copy the given code below and paste it to the About Me or Who I Want to Meet Section.
Chorus:
‘wag kang umiyak
Taha na’t ako’y naluluha
Ako’y nandito lang
Ang iyong magulang
Isang ngiti mo lang
Ang mundo ko’y napapasaya
Punasan mo ang mga luha sa iyong mga mata (2x)
Halos tatlong taong lumipas, nagbabalik tanaw
Nang namulat ang isa’t ako’y sa pera’y di nasilaw
Mistulang problemado, ang isip ay gulo
At ang amang katulad ko, tapos na raw sa larong ito
Hindi pa, ika ko
Pagkat ako ay meron pang gagawin
Responsibilidad sa ‘king panganay, aakuin
Kaya’t kailangan, mag-umpisa ng panibago
Ako ay obligado ‘pagkat ako ay pamihado
Kapit sa patalim, hinding-hindi ko gagawin
‘pagkat sa araw-araw, may naghihintay sa akin
Mga supling na kay galling na mag-alis ng pagod
Halik at yakap ng musmos
Ang nadarama, walang kasing saya
Sa tuwing nakikita ko na kayo’y natutuwa
Sa isang banda, ayokong nakikita
Na may luhang pumapatak sa ‘yong mga mata
(chorus)(2x)
Parang kahapon lang, ikaw ay sobrang liit pa
Batang paslit, walang ingit, ngunit ngayon ay iba na
Tatlong taon ka na, ikaw ay kuya na
Kay bilis ng panahon, sa ‘yo ay hirap na
Kung makatakas, ang dami mong tanong
Kaya’t kung minsan, sa lakad ko ay urong-sulong
Sobrang mamuno, lahat ay gusto mong malaman
Lalung-lalo na kung anong mali at tama
At sa gabi, pirmeng ikaw ay nagpapakwento
Nagpapakamot ng likod, mga tanong mo ay imbento
Sabay ngiti, ang pagod ko ay pinapawi
Nang yakap mo at halik sa ‘king pisngi
Sa kali man na ako ay lumisan
Sa ‘king pagpanaw at sa ‘king huling hantungan
Ang aking hinihiling ay ayokong makikita
Na may luhang pumapatak sa ‘yong mga mata
(chorus)

















